Universal Records Phils. welcomes back decorated rapper and eloquent wordsmith Gloc-9 for his newest project, to kick off with the single “Ice Tubig” on July.

Gloc-9 signs his contract with Universal Records | Photo by Psylocke Antonio

In time with the move is Gloc-9’s 20th anniversary in the industry on September, to be punctuated by a five-track album called Rotonda, his current project with Universal Records. This will be his fourth project with the label, having previously recorded two albums and one documentary called Biyahe ng Pangarap.

Universal Records welcomes Gloc-9 back into their roster | Photo by Psylocke Antonio

Gloc-9 sat down with Billboard Philippines for a chat on “Ice Tubig” and a love gone equally cold, a mind-boggling song about reincarnation, and empathy as a tool for songwriting.

Welcome back to Universal Records. What project are you working on launching together?

Nagkataon na this year is my 20th year in the business. Nagkausap kami ng Universal Records at meron kaming napagkasunduan na project. We decided na gawin ngang this year in time na sa 20th year ko sa trabaho na ‘to. Excited na kami excited na and I’m very very thankful din sa kanila sa pagpayag na gawin ko ‘yun. Bihira lang ang label na pumapayag sa ganoong deal. Gusto ko mag-thank you sa support nila sa akin at sa album na ginawa ko.

Meron kaming ire-release na unang single. Actually the song is done na. It’s as song with Mike Luis. Sobrang fan ako ni Mike Luis. First time na napanood ko siya noon sa Limits. Sobrang galing ni Mike Luis, sobrang galing. Sinabi ko rin sa kanya, “I think your music back then was so ahead of your time.” Talagang matagal ko nang gustong maka-gawa ng song with him so I wrote a song na ang title ay “Ice Tubig”.

https://www.instagram.com/p/BSdjS6GgBW9/?taken-by=glocdash9&hl=en

Your previous songs usually represent an analogy. What is the song about in relation to ice tubig?

Ang ice tubig ay pag hindi pa nagiging yelo yung yelo. Kapag naglalaro ka tapos uhaw na uhaw ka na, pag wala kang pangbili ng softdrinks, ice tubig ka na lang kasi piso lang ‘yun e. 

It’s much lighter than songs that I did before. It’s a song about a girl na ang kanyang pagmamahal ay parang ice tubig. Malamig.

Pinakanta ko kay Mike Luis yung singing parts. Tuwang-tuwa talaga ako. Sobrang galing.

It’s about a girl. Ang tagal ko na ring hindi gumawa ng ganoong song so sabi ko, it’s about time na makagawa ulit ako. Para siyang dance track.

I think ang target date to release the single Ice Tubig is sa July.

 

What prompted the story about that kind of girl?

Siguro dahil sa mga nakikita ko. Sa tagal ko na rin dito, may iba’t ibang klase ng character ng babae na akong nakita at ito yung isa sa mga characters na medyo naintriga talaga ako na: bakit may ganitong klase? So ayun ni-record ko, actually matagal ko na siyang na-record. Nung nakausap ko ang Universal Records, very supportive sila sa idea and sa project. Sabi ko sige, gawin namin. The title of the album is Rotonda. Siguro dahil, in connection din sa aking 20th year, I think na nadaanan ko na yung mga before. Mas alam ko na yung daan ko ngayon.

Meron ding isang song sa album na ang title ay “Rotonda”.

 

Tell us about Rotonda.

Rotonda is a song about…kasi minsan nag-uusap kami ng kaibigan ko about reincarnation and nagbigay siya ng isang scenario sa’kin na nasira talaga yung ulo ko. Sabi niya, paano kung nag-reincarnate ka pero hindi pa tapos yung previous life mo? So in the song, ang nangyayari, ang name nung main character ay si Congressman Lukluk. Every time na nananaginip siya, he dreams about his other life, and his other life is isang mahirap na tao na may pamilya. Nakatira sila sa isang depressed area. ‘Yun ang challenge for me. I think I’m down to the last verse. Yung last verse na lang ang magtatahi ng lahat pero natapos ko na yung siguro mga ninety percent of the song.

In the end, I still have to construct it in a way na mapupunta siya ‘dun sa lugar ng kanyang existing previous life. It’s still a challenge for me na isulat ‘yun nang tama. Dahil nga meron akong project with Universal Records ngayon, kailangan ko siyang tapusin.

 

Will you self-produce all tracks in the album?

For this album, I might. We’re doing five songs, parang EP. Mas matututukan namin per song. Naka-ready na rin yung songs and I’m very excited to record.

 

Any collabs aside from “Ice Tubig” with Mike Luis?

I still have to decide kung sino yung kasama ko sa “Rotonda”. Feeling ko babae yung pwede ‘dun sa song.

 

Someone you’ve worked with before?

Baka hindi. Baka someone new.

 

But if it were all up to you, which artists do you wish to collaborate with for this album?

Ang dami ko pang gusto makasama. Gusto kong makasama kung pwede sana in recording a song, Up Dharma Down. Sobrang fan na fan nila ako.

Isang song syempre with Gary V. I’m very very thankful din na nakapag-record ako ng song with Regine. Minsan nakausap ko si Ms. Reg, sabi niya, “Gawa pa tayo ng isa.” “Ok na po,” sabi ko.

Kasi ayokong masira yung integrity nung una. Ayoko nang mag-attempt pa. Sobra na akong sold sa una. I think hindi na ako makakagawa ng isa pang song na, ako ah, ako. Hindi na ako makakasulat ng isa pang song na pwedeng-pwede kay Ms. Reg other than “Takipsilim”.

Pero sobrang favorite ko yun. Ginagamit ko yun lagi pag meron akong talk sa school pag sinasabi nilang mag sample ako. I think my rap verse sa “Takipsilim” ang isa sa pinakamalinis na nasulat ko. Pinaka on point, siguro dahil nararamdaman ko talaga ‘yun, na maiksi ang buhay natin and we need to focus on the more important things.

 

How do you think your songwriting has changed from 20 years ago compared to now?

Before nakakatawa talaga yung songwriting ko and it’s…minsan nao-offend yung mga taong nakikinig sakin and yung mga nakatrabaho ko before. I say na mas may sense yung ginagawa ko na music ngayon compared to the songs that I did noong mga 1997-98, dahil feeling ko napaka-self-centered ng writing ko noon. ‘Yun yung mga purist rapper days ko na hinding-hindi ako magra-rap nang Tagalog. Pero siyempre nung nag-mature na ako, na-realize ko na mas madaming makaka-relate sa akin pag mas may substance yung ginagawa ko.

Nag-talk din ako kahapon sa mga students. Sabi ko: kung ikaw, by nature, ay maawain sa tao, sa hayop, sa kahit na anong bagay, I think na dapat na mag-try kang magsulat. I think empathy is the best trait na pwede mong magamit sa pagsusulat. ‘Yun din siguro yung nagamit ko at natutunan ko: kung paano ako makakarelate sa tao.

Yung inspiration comes from kung ano ang na-experience ko. Minsan kahit hindi mo na-experience pero nararamdaman mo yung nararamdaman ng taong naka-experience ‘nun, malaking bagay ‘yun. Sa feed ko nga sa Facebook ayaw na ayaw kong nakakakita ng posts about children na nahihirapan, not because wala akong pakialam pero dahil hindi ko kaya talaga.

As a writer, mas mature ako ngayon at siguro sa tagal ko na rin, alam ko na more or less what works, what does not work. Siguro dumating din sa time na parang iniisip ko: gusto ko pa rin bang gawin ito? It always boils down sa interest ko dito sa craft na ito. Sabi ko nga, parang relationship mo sa taong mahal mo. Kahit ano pa siya, definitely at the end of the day, mahal mo. Sobrang mahal ko ‘tong trabaho na ‘to at marami akong ipinagpapasalamat sa trabaho na ‘to. I always come back din kahit minsan sinasabi kong parang napapagod na ako at parang ayoko na, I still find myself humming melodies, writing lyrics. So bumabalik din talaga.

Meron akong isang spot na pinagpapahingahan kapag nagjo-jogging ako and one time I took a picture. I posted it on my Instagram. May isang picture ng tree na tuyo na, and then beside that tree is a tree na patubo pa lang. Ang caption ko diyan: Sa huli lahat tayo ay papalitan. But lately, nung bumalik ako sa spot na ‘yun, yung tuyong tree ay marami na ulit dahon. Puno ulit siya ngayon. Hindi ko maiisip dahil kung makikita mo sa Instagram, wala na talaga siyang dahon. So naisip ko, siguro it’s still not yet time for me to stop doing ang isang bagay na gusto ko.

Dahil sa Huli.. Lahat tayo ay Papalitan.. #gloc9 #makatasapinas

A post shared by Aristotle Pollisco (@glocdash9) on

How much of the country’s current climate was brought into your writing for this album?

I think kung anuman ang aking mindset pagdating sa pagsusulat ay kung ano ang estado ng bansa natin ngayon. I think matagal nang ganoon and if anything, talagang mapo-prove mo lang na…minsan ito yung ginagawa kong description, na lahat tayo ay ayungin lamang na isda. Tayo’y maliliit na isda lang sa planggana. Hindi tayo ang nagde-decide kung gaano karami o gaano kakaunting tubig lang ang lalanguyan natin.

Well, if you listen to my past albums malungkot talaga siya. I just relay kung anong nakikita ko, pero kahit naman ikaw ay isang isda lang sa planggana, meron ka pa ring kakayanang lumangoy. Nasasayo pa rin, nasa tao pa rin.

 

Is there a certain topic or social issue that’s always been at the back of your mind but you haven’t written about?

Madami. May mga topics lang ako na I’m not sure kung masasama ko siya sa album na ito. Sana matapos ko yung song pero may mga songs akong iniisip na: what if I write a song about religion, beliefs natin? Minsan kasi kapag nakakakita ako ng tao na talagang mai-imagine mo na mahirap talaga ang buhay nila at kung anong nae-experience nila, naiisip ko: what if I write a song about that? And I came up with a line, actually may melody na siya, nakakahiya kung kakantahin. Yung line ay, “Awit ka nang awit pero wala namang pumapalakpak”. Minsan pwede siyang i-take as it is na kanta ka nang kanta, awit ka nang awit pero wala namang pumapalakpak pero pwede mong isipin na minsan dasal ka nang dasal pero wala namang natutupad.

 

Any literary inspirations that influence your songwriting?

Nagugulat ako minsan. Hindi talaga ako reader. Siguro dahil ako ay isang Rizaleño. Lumaki ako sa Rizal at nag-aral din ako sa iba’t ibang lugar sa Rizal, so na-acquire ko yung Tagalog ng iba’t ibang bahagi ng Rizal. Kaya sinasabi yung Tagalog ko is very deep. Minsan may Tagalog words na hindi nila naiinitindihan.

Nagugulat din ako kasi minsan, yung nagsusulat ng screenplay na si Mr. Ricky Lee, nag seminar siya about writing. Songwriters camp ito dati. Syempre late ako, tapos pagdating ko ‘dun sa class sabi sa akin, “Uy, late ka. Ginamit ni Ricky Lee yung kantang ginawa mo as an example.”

 

Which one?

“Lando”. Sabi niya, “If you want to be an effective writer, you need to be very visual.”

Nang nakausap ko siya sabi ko, “Sir, salamat po ah. Ginamit niyo raw po yung Lando,” at sabi niya, “Oo, gagamitin ko sana yung Magda, pero wala na akong oras.”

So I realized na what I was doing is tama rin, kahit hindi ko siya natutunan formally na you need to write like this. Siguro dahil ganoon na lang din talaga yung respect ko sa trabaho na ‘to, yung love ko sa trabaho na ‘to. So parang everything comes out naturally rin.

Any music videos you’re working on for this current project?

Meron, I think yung “Ice Tubig” na single meron nang nakaready na date for the music video so excited ako. Sabi ko nga, “Gawa na lang tayo ng music video sa isang malaking malaking ice plant!”

 

Do you also conceptualize your music videos yourself?

Minsan nagsu-suggest ako, pero madalas yung director ‘yan. Kapag yung intention mo naman sa project laging in line sa kung anong gusto ng director, and kung tama rin ang katrabaho mo, pareho kayo ng iisipin.

 

Just like your music video for “Sirena”.

Takot na takot ako before we released “Sirena”. Walang in between sa song na ‘yun e. Hindi pwedeng mangyari na “ah, parang hindi yata ok ‘yan”. It’s either magagalit sila sa’yo or magugustuhan nang sobra-sobra. Walang in between. Very nervous talaga ako nung ni-release yun pero very thankful ako dahil ‘yun yung response nila sa kanta.

What was the push to overcome that fear and follow through with the release?

Kasi siya talaga yung pinaka-pwede sa album. Although siguro, kung may downside, kahit we released three more singles, nao-overpower pa rin siya ng first single. If you ask people kung ano yung mga single ko sa Mga Kwento Ng Makata, they will only tell you “Sirena”.

I was very happy with the song that I did with Billy Crawford and Jay Durias. The one with Jay Durias, isa sa mga favorite songs na nasulat ko, yung “Hindi Mo Nadinig”. Ito yung song na: what if gusto mong mag-commit ng murder? So it’s a love story na nagsimula sa tamang pag-ibig pero sa maling tao.

 

Is there a song that you wish you should have pushed for or promoted a lot more?

Meron, kaya kami nagre-record ng five songs na lang ngayon. Although im still for recording a full album, dahil ‘yun ‘yun eh. Hawak mo ‘yun. Pero may mga songs na naiiwanan na nasasayangan ako.

I did a song before, ang title niya ay “Atik Laham”. “Atik Laham” is baliktad na “Mahal Kita”. Kasama ko dun si Wency Cornejo. It’s a story na nagsimula sa ending at natapos sa umpisa. May mga nakakusap akong direktor na nagsabing “gusto kong gawan ng short film ito”. It’s a story na nagsimula sa sementeryo dahil namatay siya, pero the visuals that I have for the song ay pabalik. So nasa sementeryo ka, pero nahuhukay yung libingan, nag-aalisan yung mga tao. Then yung sa burol, namamatay yung ilaw, naliligpit yung gamit. Sa ospital, gumagaling yung sugat mo. Sa aksidente, yung wreckage ng kotse mo ay nauunat. Ikaw ay tumatakbo nang mabilis at bumabagal yung kotse. So ayun, sayang na sayang ako. It’s a song na very proud ako.

It’s a song na sayang talaga kasi it’s in an album na maraming tracks. Minsan kasi hindi nila napapansin, pero I’m still happy na na-record ko ‘yun. Minsan pag matagal ko na siyang hindi naririnig tapos pinakinggan ko ulit, nakakatuwa kasi ‘di ko na alam yung song. ‘Di ko na kabisado so parang “ah ‘yun pala yung ginawa ko ‘dun”. Masaya rin.

 

If for example, the reincarnation concept of Rotonda happened to you, what do you think your reincarnation would be?

Sana, kung meron man, sana ma-reincarnate ako sa sarili ko rin. If possible, alam mo na kung ano yung mga mali mong ginawa. Hindi ka na mahihirapan. Pero I think daya na ‘yun e. Kaya nga reincarnation, eh. Hindi mo nga dapat matatandaan kung sino ka before. For all we know, nangyari na ‘yun sa atin before, pero hindi pala natin alam. Siguro kung makakapili man ako sana ako pa rin. ‘Yung sana alam mo na ikaw yun.

 

What is your main goal as you celebrate your 20th year in the industry?

Gusto ko sanang makagawa pa ng songs na mas makaka-relate pa rin yung tao. ‘Yun lang lagi ang goal ko. Napaka-simple. I want to be able to write songs na sasabihin ng tao “oo nga.” I think yun yung pinaka-importante sa pagsulat. After mo ma-satisfy sa sarili mong trabaho, ‘yun naman yung next goal mo: ang makakuha ng “oo nga” sa tao.

I’m very thankful din sa mga nami-meet ko na sinasabi nilang “Maraming salamat sa song na ‘to. Pag down ako, ito yung pinapakinggan ko. Natulungan akong makaraos sa buhay dahil sa kanta mong ito.” Nangyayari yan madalas kapag nagsho-show ako sa abroad, madalas sa Middle East.

https://www.instagram.com/p/BUAWHYlA8fe/?taken-by=glocdash9&hl=en

Any particular song that they usually tell you about?

Iba-iba. I think in general, ‘wag ka lang mawawalan ng pag-asa. Sa most of my songs, ‘yun lang naman. If you listen to them, kailangan mo lang talagang lumaban.

I think more than the pay sa gigs sa abroad, yung makasalamuha mo sila rin talaga. Minsan nagbebenta kami ng merch sa mga gigs para meron kaming pang pocket money. Merong isang lumapit sa’min na binili niya lahat ng tinitinda doon, one of each, pero hindi siya mukhang ma-pera. In fact sabi niya “farmer ako dito eh”. I think sa New Zealand ‘yun. Sabi niya, “Nagbabantay ako ng mga baka, pero kanta mo lang lagi yung pinapakinggan ko kapag naho-homesick ako.” Very honored ako kapag nalalaman ko na somehow, you take them closer to home dahil pinapakinggan nila yung song. Sobrang nata-touch ako lalo na rin kapag meron akong mall show and merong bumibili ng product mo at sasabihin niya sa’yo na “pinag-ipunan ko talaga ‘to para makabili ng ganito.”

Hindi mo matutumbasan ‘yun ng kahit anong bagay kapag alam mong ganoon yung importance na binibigay nila sa’yo. Sobrang nanlalambot ako kapag ganun. Nakakahiya eh, nahihiya ako sa kanila kapag ganoong sobra yung importance nila sa’yo.

LEAVE A REPLY